Weather
MGA BYAHERO NGAYONG HOLY WEEK, NAANTALA NG BAGYONG AGATON; SIGNAL NO. 2 ITINAAS SA ILANG BAHAGI NG EASTERN SAMAR
Libo-libong pasahero ang na-stranded matapos kanselahin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang byahe ng mga bangka simula pa noong Sabado dahil sa bagyong Agaton. At lumakas pa ito nang mag landfall sa Eastern Samar kahapon Linggo ng umaga.
Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang bagyong Agaton ay may lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometers per hour at may pag bugso hanggang 105 kph.Kanina lamang ay bahagyang humina ito na may lakas ng hangin na 65 kph at may pag bugso na aabot sa 80 kph.
Kahapon ng Linggo, sinabi ng PCG na may naiulat na mahigit 200 na pasahero at mga cargo vessels ang naantala sa Eastern and Central Visayas, partikular sa Liloan Port Ferry Terminal ng Cebu at Port San Ricardo sa Southern Leyte.
Sa Bicol Region ay may 503 na mga pasahero ang na stranded sa Matnog port sa probinsya ng Sorsogon.
May 473 rolling cargos and vessels naman ang na stranded din ayon kay spokeperson ng Office of Civil Defense, Gremil Alexis Naz.
Karamihan sa mga pasahero at sasakyang na stranded ay papuntang Samar.
HEIGHTENED ALERT
Kaninang lamang, sinuspinde ng PCG Sorsogon Station ang lahat ng byahe patungong Samar,Biliran,Leyte,Southern Leyte, at Camotes Island.
Samantala, patuloy ang byahe ng mga bangka patungo sa mga isla at probinsya ng Catanduanes at Masbate, mula sa mainland ports ng Albay at Sorsogon ayon sa PCG.
Ayon Sa PCG, karamihan sa mga naantalang pasahero ay uuwi sa kanilang mga probinsya para sa Semana Santa. May kabuuang 13,640 na palabas at may 10,421 na papasok na mga pasahero ang namataan sa lahat ng
mga pantalan sa bansa nitong Linggo.
Lahat ng PCG units ay inilagay sa heightened alert hanggang sa darating na holiday, na mayroong 2,000 front-line personnel sa 15 distrito. May kabuuang 156 vessels at 193 motor bancas na ang na-inspeksyon.
“I instructed district commanders to be present on the ground and oversee the implementation of maximum security measures. They are also responsible for supervising the conduct of regular port monitoring and coastal security patrol in major tourist destinations.” – pahayag ni PCG commandant, Adm. Artemio Abu.
TYPHOON SIGNALS
Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ay itinaas sa mga bayan ng central and southern portions of Eastern Samar (Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Llorente, Balangiga, Lawaan, Hernani, General Macarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan), the central and southern portions of Samar (Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas, Hinabangan, Calbiga, San Sebastian, Villareal, Pinabacdao, Santa Rita, Basey, Talalora, Daram, Zumarraga, Marabut) and the northeastern portion of Leyte (Babatngon, San Miguel, Barugo, Tunga, Alangalang, Tacloban City, Santa Fe, Pastrana, Palo, Tanauan, Tolosa, Dulag, Mayorga).
Signal No. 1 ay itinaas din sa mga bayan ng Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, and the northern portion of Cebu (Borbon, Tabogon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan, Bantayan Islands) including Camotes Islands.
(Daily Inquirer)