Connect with us

Weather

Nanatili ang lakas ng bagyong Odette habang patungo sa Palawan; Aklan, nasa Signal No. 1 na lamang maliban sa northwestern at western na bahagi

Published

on

weather forecast

Nanatili ang lakas ng Bagyong Odette habang papalapit ito sa Palawan, habang tinanggal na ng PAGASA ang Signal No. 3 sa Visayas at Mindanao.

Batay sa 2:00 pm bulletin ng PAGASA, namataan ang center ng bagyo sa may 130 km Southwest ng Cuyo, Palawan o 155 km East Northeast ng Puerto Princesa City, Palawan kaninang 1:00 pm.

Nanatili ang lakas nito na may maximum sustained winds na 155 km/h at bugso na umaabot hanggang 215 km/h, gumagalaw ang bagyo sa direksyon ng Westward na may bilis na 25 km/h.

Ang mga sumusunod na lugar ay itinaas ng PAGASA sa Signal No. 3. (Destructive typhoon-force winds prevailing or expected within 18 hours)

Luzon

  • The northern portion of Palawan kabilang ang Cagayancillo at Cuyo Islands

Ang mga sumusunod na lugar ay itinaas ng PAGASA sa Signal No. 2. (Damaging gale- to storm-force winds prevailing or expected within 24 hours)

Luzon

  • Southern portion ng Oriental Mindoro
  • Southern portion ng Occidental Mindoro
  • Central portion ng Palawan kabilang ang Kalayaan at Calamian

Visayas

  • Southwestern portion ng Negros Occidental
  • Antique
  • Northwestern at western portions ng Aklan (Malinao, Madalag, Libacao, Buruanga)
  • Southwestern portion ng Capiz
  • Central at Southern portions ng Iloilo
  • Guimaras

Ang mga sumusunod na lugar ay itinaas ng PAGASA sa Signal No. 1. (Strong winds prevailing or expected within 36 hours)

Luzon

  • Batangas
  • Southeastern portion ng Quezon
  • Marinduque
  • Masbate
  • Romblon

Visayas

  • Western portion ng Bohol
  • Siquijor
  • Cebu kabilang ang Bantayan Islands
  • Natitirang bahagi ng Negros Occidental
  • Negros Oriental
  • Natitirang bahagi ng Capiz,
  • Natitirang bahagi ng Iloilo
  • Natitirang bahagi ng Aklan

Mindanao

  • Northern portion ng Zamboanga del Norte
  • Northern portion ng Misamis Occidental