Connect with us

Weather

PAGASA: LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo

Published

on

POSIBLENG maging isang bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa PAGASA.

Batay sa Public Weather Forecast nitong Hulyo 14, ang naturang LPA ay namataan sa kanluran ng Central Luzon sa layong 885 kilometro.

Sa tala ng PAGASA, mataas ang tsansa nitong maging bagyo sa loob ng 24 oras.

Samantala, wala naman itong inaasahang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa at sa mga susunod na araw ay magpapatuloy ang generally northwestward na paggalaw nito patungo sa bansang Vietnam.