Connect with us

Weather

Tropical depression Emong magdadala ng ulan sa Batanes at Babuyan Islands

Published

on

July 5 weather forecast

Inaasahang lalakas ang Tropical depression Emong sa loob ng 12 oras at magdadala ito ng ulan sa Batanes at Babuyan Islands, ayon sa state weather bureau.

Ang Tropical depression Emong ay pang-limang bagyo sa Pilipinas ngayong taon at ito’y huling namataan sa may 530 km east northeast ng Casiguran, Aurora kaninang madaling araw, 4 a.m.

Gumagalaw ito na may direksyong northwest at 40 km per hour (kph) at may dalang hangin na 55 kph na may bugsong umaabot hanggang 70 kph, pahayag ng PAGASA sa kanilang 5 a.m. bulletin.

Dagdag pa ng PAGASA, inaasahang magdadala ito ng moderate to heavy with at times intense rains sa Batanes at Babuyan Islands hanggang tanghali ng Martes.

Tropical cyclone wind signal no. 1, na nagdadala ng 30 to 60 kph na hangin sa loob ng 36 oras at maaring magdulot ng slight damage sa mga bahay na gawa sa mga very light materials ay tinaas sa mga sumusunod na area:

  • Batanes
  • Northeastern portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) including Babuyan Islands.

Ayon sa PAGASA, ang center ng tropical depression Emong ay maaring dumaan malapit o sa vicinity ng Batanes-Babuyan Islands area, ngayong gabi. Ang direksyon ng bagyo ay generally northwestward hanggang Lunes ng gabi habang papalapit ito sa extreme Northern Luzon-Taiwan area.

Nagbabala ang PAGASA na makakaranas ng rough to very rough seas (2.5 to 5.5 meters) ang mga area under ng TCWS #1 at Cagayan.

“Sea travel is risky over these waters, especially for those using small seacrafts,” sabi nito.

Dagdag pa ng state weather bureau na binabantayan nila ang isa pang low pressure area sa West Philippine Sea na huling namataan 375 km west ng Calapan City, Oriental Mindoro.

“Bagamat maliit ang tiyansa maging bagyo ay patuloy tayong magmomonitor,” sinabi ng PAGASA weather forecaster Chris Perez sa ABS-CBN’s Teleradyo.

Source: ABSCBN, PAGASA