Business
PH-Korea flights ng CebuPac kanselado mula bukas hanggang Abril 30
Kanselado na mula bukas hanggang Abril 30 ang mga flights ng CebuPac sa pagitan ng Pilipinas at South Korea dahil sa outbreak ng coronavirus disease.
Kasunod ito ng ipinatupad na travel ban sa mga pasehoro mula Gyeongsang Province, Daegu City at Cheongdo sa South Korea.
Kakanselahin ng CEB ang mga byahe nito mula Incheon, South Korea, patungong Manila, Cebu, at Kalibo.
Ang mga pasaherong apektado ng kanselasyon ng mga flight ay maaaring mag-rebook hanggang Hunyo 30, makakuha ng full refund, o di kaya ay ilagak ito sa kanilang travel fund na maaari nilang magamit sa hinaharap.
Maliban sa CebPac, kanselado na rin mula ngayong araw hanggang Marso 30 ang ilang biyahe ng PAL papuntang SoKor.
Una nang ipinag-utos ng gobyerno base sa desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pansamantalang hindi pagbiyahe ng mga pinoy sa South Korea mula dito sa bansa maliban sa mga OFW, mga pinoy na nag-aaral sa South Korea, at mga permanent resident.