Connect with us

Business

Dagdag na benepisyo sa mga kawani na magseself-quarantine, hiniling sa Senado

Published

on

Photo Courtesy| Sunstar

Nanawagan si Senador Francis “Kiko”Pangilinan na dagdagan ang paid medical leave ng mga kawani na magseself-quarantine dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Iginiit ni Pangilinan na kaya ayaw mag-quarantine ng mga empleyado ay dahil walang sweldo o kaya mababawasan pa ang kanilang kinikita.

“Ang panawagan natin diyan sa mga employers ay bigyan ng dagdag-benepisyo dito sa medical leave at huwag parusahan ang mga magse-self-quarantine, para talagang mabawasan itong pagkalat ng COVID-19,” ani Pangilinan.

Dapat aniya na hindi bawasan ang sweldo ng mga empleyadong nasa self-quarantine dahil tinutulungan at pinoprotektahan pa nga nila ang mga kasama nila sa trabaho at komunidad para hindi mahawaan ng virus.

“Eh mas makakabuti para sa bawat kumpanya na kahit siya ay binabayaran, doon na muna siya sa bahay, hindi ba? Kung hindi, mas malubha ang mangyayari sa mga kumpanya kung nagkahawa-hawa,” saad ni Pangilinan.

Mas makakabuti aniya para sa isang kumpanya na magkaroon ng dagdag bayad sa mga empleyadong magseself-quarantine kaysa mas maging malubha ang sitwasyon sa kanilang kumpanya kung magkakahawa-hawa.

 “That is being negligent — if you will not be self-quarantined, if you have the symptoms — not only to your family, pati ‘yung mga katrabaho mo. At apektado ang buong tanggapan kapag ganyan ang magiging sitwasyon,” hayag nito.