Connect with us

Aklan News

RICE FARMERS SA AKLAN, MAKAKATANGGAP NG CASH AID MULA SA DA

Published

on

Sa kabuuang 19,253 target na benispiyaryo sa Aklan, umaabot na sa 448 na mga magsasaka ng palay sa Kalibo ang nakatanggap na ng cash aid mula sa Department of Agriculture (DA) Western Visayas sa pamamagitan ng Land Bank of the Phils. (LBP) simula kahapon, Mayo 7.

Sa ilalim ng DA’s Financial Subsidy to Rice Farmers (FSRF), ang mga magsasakang may sakahan ng palay na isang ektarya pababa ay makakakuha ng P5000 cash assistance.

Sa pakikipagtulungan sa LBP at provincial government, nais ipaabot ng ahensya ang kanilang suporta sa mga magsasaka na makabangon sa epekto ng COVID 19 pandemic sa kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng FSRF.

Target ng DA na makumpleto ang kanilang pagbibigay ng ayuda ngayong buwan ng Mayo.

Para maka avail sa naturang cash assistance, kailangang magpalista ang isang magsasaka sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.