Aklan News
BINATANG ISANG BUWAN PA LANG NA MAMANHIKAN, NAGPAKAMATAY
Balete, Aklan – NAGPAKAMATAY ang isang 26 na taong gulang na binata na isang buwan pa lang na namanhikan sa pamilya ng kanyang nobya.
Base sa report ng Balete PNP, natagpuan na lamang ng pamilya ng amo nito ang biktima kaninang alas 5 ng umaga na nakabitay mula sa ikalawang palapag ng kanilang resthouse.
Ayon sa kapatid ng biktima, naniniwala sila na walang ‘foul play’ sa pagkamatay ng kanilang kapatid.
Dagdag pa nito, nasa nobya umano ng biktima ang cell phone nito, habang nasa biktima naman ang cellphone ng babae subali’t nasira na ito.
Ikinuwento pa ng kapatid ng biktima na nakipag-inuman pa ito sa kanyang mga barkada kagabi, subali’t nagulat na lamang ang mga ito sa kanyang sinapit kaninang umaga.
Continue Reading