Connect with us

Iloilo News

ILOILO CITY, MAY PINAKAMURANG KURYENTE SA MGA LUNGSOD SA VISAYAS

Published

on

Pagkatapos ng isang taon pa lang na operasyon ng MORE Power, ang mga konsumidor sa lungsod ng Iloilo na ang maituturing na may pinakamurang binabayaran ng kuryente sa halos buong Visayas.

Sa buwan ng Abril, ang residential rate ng Iloilo City ay nasa P10.28 lang kada kilowatt hour.

Habang sa Bacolod City at sa iba pang lungsod sa Negros Occidental sa ilalim ng Central Negros Electric Cooperative (CENECO), ay may residential rate na P11.11 per kWh at sa ilalim naman ng Negros Occidental Electric Cooperative (NOCECO) ay P10.31 per kWh.

Ang Cebu City at katabing mga lungsod na nasa ilalim ng distribution utility na Visayan Electric Company (VECO) ay may residential rate na P11.94 per kWh sa kaparehong buwan.

Ang Roxas City naman na nasa ilalim ng Capiz Electric Cooperative (CAPELCO) ay may residential rate na P11.33 per kWh.

Mas mura pa ngayon ang kuryente sa Iloilo City kumpara sa Aklan (AKELCO) na P10.89 per kWh at Antique (ANTECO) na P11.03 per kWh.

Samantala mas mahal naman ang kuryente ng ILECO 1 na P11.14 per kWh at ILECO 2 na P10.35 per kWh. (With a report from RMN Iloilo)