Aklan News
Comelec, mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa bespiras at araw mismo ng halalan


Pinaalalahanan ng Comission on Elections (COMELEC) ang lahat ng mga kandidato sa National and Local Elections na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampya sa bespiras, May 11 at sa mismong araw ng halalan sa May 12.
Alinsunod ito sa batas na ipinatupad para sa itinakdang oras at araw ng pangangampanya.
Sinabi ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia na ang last day ng pag-campaign ay ngayong Sabado, May 10.
Iniutos rin nito na dapat tanggalin na ang mga naglalakihang tarpaulin sa mga highway simula sa May 11.
Aniya, “Hindi po namin mapipigilan ang kahit na sinong magkakalaban na mag-file ng kaso laban sa inyo, sapagkat ‘yung presensya ng mga tarpaulin, ng mga campaign materials na nasa mga kalsada ay simbolo pa rin ng pangangampanya, and therefore, dapat po ‘yang ipatanggal.”
Kaugnay nito, sabay ring ipapatupad ang liquor ban kung saan ipinagbabawal ang pagbenta, pagbili at pag inom ng alak.
At kung sino man ang lumabag rito ay maaaring maharap sa parusang pagkakulong ng hanggang anim na taon.
Exempted naman sa nasabing ban ang mga hotel, resorts, restaurants, at iba pang establisimyento na accredited ng Department of Tourism (DOT) bilang tourist-oriented ngunit kinakailangang sila ay mayroong naunang written authority.
Paalala pa ni Garcia na sana’y magkaisa ang lahat para sa maayos at payapang halalan ngayong taon.
Continue Reading