Connect with us

Health

Umabot na sa 9 ang namatay dahil sa Delta variant; kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nasa mahigit 1.6 milyon na -DOH

Published

on

PH Covid19 Case

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, na umakyat na sa siyam ang namatay dahil sa Delta variant sa Pilipinas habang 17 na pasyente na nag-positive sa mas nakakahawang strain ay active cases.

Ayon kay Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “the additional Delta variant-related death was a local case,” hindi niya ibinahagi ang gender o hometown ng namatay.

Sagot ni Vergeire sa isang online press conference nang tanungin siya kung may plano ba ang Pilipinas na mag-sequence pa ng mas maraming tao matapos magkaroon ng spike ng mga infection sa iba’t-ibang probinsya, “Hindi natin kailangan ma-prove na ang bawat tao dito ay may Delta variant.”

Mayroong 216 kumpirmadong Delta variant na kaso sa bansa, pero nag-a-asume ang DOH na maaring may community transmission na ng mas nakakahawang Delta variant sa Pilipinas.

Hinihimok ng DOH ang mga local government units na paiklihin ng tatlo hanggang limang araw ang detection at isolation ng mga suspected COVID-19 na pasyente upang maiwasan ang transmission ng virus, pahayag ni Vergeire.

Nag-hire na rin ang agency ng halos 10,000 karagdagang medical workers para gamutin ang mga COVID-19 patients na naka-confined sa mga hospital, dagdag niya.

Batay sa data ng DOH, umabot na sa 1.6-million mark ang kaso ng COVID-19 ng Pilipinas nitong Lunes, kung saan ang kabuuang kaso na may COVID-19 sa bansa ay nasa 1,605,762 na.

Ilalagay sa ilalim ng pinaka-striktong lockdown ang National Capital Region simula Agosto 6 para mabawasan ang pagkalat ng virus sa bansa.

Source: ABSCBN