Connect with us

Health

Delta Variant pinaka marami sa mga nagpopositibo sa COVID-19 ayon sa World Health Organization

Published

on

Delta variant pinaka maraming strain sa bansa

Sa ngayon ang Pilipinas ay nakararanas na ng community transmission ng COVID-19, Delta Variant. Ito na rin ang may pinaka dominanteng strain sa bansa ayon sa World Health Organization (WHO) na sinabi ngayong Martes.

More than “70 percent of the current transmission is attributable to the Delta Variant” ito’y ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe WHO country representative sa isang online press conference.

“This situation is not entirely surprising…What we are seeing in the Philippines is not unique. It is being seen in other countries” aniya.

Simula Agosto 27, 516 o 68.98 percent sa 748 na samples na siniquence ay nag positibo sa mas makakahawang Delta Variant. Base ito sa datos mula sa Department of Health (DOH).

Ang Beta Variant naman ay may 10.83 percent, habang ang Alpha variant ay mayroong 9.76 percent base sa mga samples at ipinakitang datos.

Sumipa sa pinaka mataas na naitalang bilang kahapon nang mga nagpositibo sa COVID-19 na umabot sa 22,366 na kaso. Ito’y simula pa ng tumama ang pandemya sa bansa.

Ang Pilipinas ay nakapag tala na ng 1,976,202 na mga kumpirmadong kaso, 148,594 dito ay nanatiling aktibo, ayon sa DOH.

(Source: Katrina Domingo, ABS-CBN News)