Connect with us

Cebu News

Dalawang 10 taong gulang na bata, nag-positibo sa Delta variant sa Cebu

Published

on

Delta variant among children

Sa apat na karagdagang bagong naitalang COVID-19 Delta variant na kaso sa Cebu, dalawang kaso ay mga bata na sampung taong gulang.

Ito’y ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, chief pathologist ng Department of Health (DOH)-Central Visayas.

Ang dalawa naman na karagdagang kaso ay may edad na 27 taong gulang at ang isa ay 60 taong gulang.

Batay kay Dr. Jaime Bernadas, DOH-Central Visayas director, ang apat na bagong Delta variant na kaso ay nagmumula sa Lapu-Lapu City.

Itong apat na kaso ay karagdagan sa 32 Delta variant na kaso (19 mula sa Lapu-Lapu City, anim mula sa Cebu City, tatlo sa Mandaue City, dalawa sa Cordova at dalawa rin sa Samboan), ito’y unang naiulat noong Hulyo 29 ng DOH.

Ayon kay Loreche, “the additional cases of Delta variant are additional test results from the total of 123 samples covering July 4 to 10, 2021,” kung saan ipinadala ito ng DOH-Central Visayas sa Philippine Genome Center (PGC) para sa genomic sequencing.

Sabi niya na lahat ng samples na ito ay kinolekta mula sa community, kaya ibig sabihin, ang mga indibidwal na ito ay walang history ng pag-travel sa abroad.

“At this time, we noticed a rise in our cases, and just like January to March this year, we wanted to do bio-surveillance to check if we possibly could also have the Delta variant,” aniya.

Pero, dagdag niya na ang apat na bagong kaso ng Delta variant ay naka-recover na, at kasalukuyang nag-sasagawa sila ng contact tracing ayon sa protocol ng DOH.

“We immediately do contact tracing and isolation, thus we are confident that by the time the results from the PGC are released, we deem these Delta variants as recovered,” paliwanag niya.

Source: SunStarPhilippines