Connect with us

Aklan News

PSWDO, NAGPATAWAG NG PULONG SA MGA KAPITAN PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHAGI NG PARATING NA AYUDA SA KALIBO

Published

on

AKLAN PSWDO MAY MGA NAKAHANDANG FOOD PACKS PARA SA MGA POSIBLENG MAAPEKTUHAN NG BAGYONG ODETTE

Ipinatawag kahapon ng Provincial Social Welfare and Development Office sa isang pagpupulong ang lahat ng mga punong barangay sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Provincial Social Welfare Officer Vangie Gallega, pinatawag nila ang mga punong barangay para pag-usapan kung paano makakakuha ng ayuda ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Pinag-usapan din kung paano tutukuyin ang mga pamilyang totoong naghihirap at nangangailangan ng tulong sa kanilang barangay para maisama sa listahan na isusumite sa kanilang tanggapan para mai-validate ng kanilang social workers.

Dagdag pa Gallega, binago nila ang sistema para maiwasan ang problema tulad ng nangyari noong una na maraming nagreklamo.

Sa bagong sistema, ang kapitan na mismo ang may resposibilidad sa kung sino ang dapat masama sa listahan, kaalyado man o hindi, basta ang mahalaga aniya ay mapunta ang ayuda sa totoong mahihirap na pamilya.