Connect with us

Aklan News

PSWDO-Aklan, hinikayat ang mga aplikante ng educational cash aid na mag-online register

Published

on

Photo Courtesy| DSWD Western Visayas

HINIKAYAT ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Aklan ang mga aplikante ng educational cash aid na magparehistro na lamang muna online.

Ito ay upang malaman aniya nila kung sila ay kwalipikadong tumanggap ng nasabing ayuda.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PSWDO-Aklan head Ms. Vangie Gallega, ipinaliwanag nito na kapag ang isang aplikante ay kwalipikadong para sa naturang cash aid, may matatanggap itong advisory para sa schedule ng releasing.

Aniya, maaaring magparehistro sa pamamagitan ng link na https://bit.ly/dswdfo6EducAssistance, mag-rehistro sa pamamagitan ng QR code at mag fill-out at mag-rehistro sa email: [email protected].

Samantala, ayaw namang magbigay ng komento si Gallega hingil sa naganap na kaguluhan sa unang pay-out ng educational cash aid sa Aklan Provincial Capitol nitong Agosto a-20.

Saad ng opisyal hinihintay pa nila ang final advisory mula sa DSWD Region 6 kung saan magsasagawa pa lamang ng meeting ngayong araw.

Dagdag pa ni Gallega na pinaplantsa pa ng DSWD ang koordinasyon sa mga LGU at MSWDO.

Matatandaang marami ang nagreklamo sa unang pay-out ng DSWD dahil sa mahabang pila at hindi organisadong distribution ng educational cash aid.