Connect with us

National News

EXPANSION NG MORE POWER SA 16 LGUs SA ILOILO PROVINCE, LUSOT NA SA 3RD AT FINAL READING SA SENADO

Published

on

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang House Bill 10306 na magpapa-expand ng franchise area ng MORE Electric and Power Corporation sa 15 bayan at Passi City sa probinsiya ng Iloilo.

Magsasagawa na ang Senado at Kamara ng bicameral conference committee na magaalis ng mga probisyon na taliwas sa bawat bersyon ng nasabing panukala.

Posibleng lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30.

Una nang isinulong nina 2nd District of Iloilo Congressman Michael Gorriceta at 4th District Congressman Braeden John Biron ang pagpapalawig ng MORE Power ng kanilang prangkisa sa ilang bayan sa probinsiya dahil sa reklamo ng mga konsyumer sa mabagal na serbisyo ng ILECO.

Mababatid na plano ng MORE Power na mag-expand ng serbisyo sa Alimodian, Leganes, Leon, New Lucena, Pavia, San Miguel, Santa Barbara, Zarraga, Anilao, Banate, Barotac Nuevo, Dingle, Duenas, Dumangas, San Enrique at Passi City.

Continue Reading