Connect with us

International News

Portugal, nagdeklara ng state of heightened alert dahil sa matinding wildfire

Published

on

Larawan mula sa Daily Express

Nagdeklara ng State of Heightened Alert ang pamahalaang Portugal dahil sa matinding wildfire na lumalamon sa hilaga at sentral na bahagi ng bansa.

Aabot sa 3,000 na mga bumbero at higit sa 60 na aircraft ang nakikipaglaban upang maapula o kahit makontrol na lamang ang apoy.

Ayon sa ulat ng mga otoridad, 12 bumbero na at 17 sibilyan ang nangailangan ng medical assistance dahil sa minor injuries dulot ng apoy.

Pinakilos na ng European Union nitong Linggo, Hulyo 10, ang kanilang firefighting air fleet assistance programme kung saan pinapayagan ang mga member-nation na magpalitan ng mga resources sa panahon ng sakuna.

Mabilis din nagpadala ng dalawang firefighting planes ang Spain na kamakailan lang ay nakaranas din matinding wildfire.

Dahil sa mga pangyayari, kinansela ni Portuguese Prime Minister António Costa ang kanyang mga plano na pumunta ng Mozambique ngayong linggo lalo na at may mga “weather forecasts that indicate a very serious worsening of the risk of rural fires.”

Kinansela rin ni Portuguese President Marcelo Rebelo de Sousa ang kanyang napipintong biyahe papuntang New York kung saan nakatakda siyang magsalita sa U.N. Economic and Social Council

Continue Reading