Connect with us

Aklan News

Reklamo sa mataas na singil sa pasahe sa traysikel, pag-uusapan sa consultative meeting bukas

Published

on

Magkakaroon ng pagpupulong bukas ang Committee on Transportation, Transport Group, Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG) at Inter-Agency Task Force kaugnay sa presyo ng pamasahe sa traysikel.

Kasunod ito ng mga reklamo ng ilang mga estudyante at mga magulang sa mahal na singil sa pasahe.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Kalibo Vice Mayor Cynthia dela Cruz, sinabi niya na nagkausap na sila ni SB Matt Aaron Guzman na Chairman ng Committee on Transportation kaugnay dito at magkakaroon sila ng pulong bukas.

Kasama sa mga pag-uusapan ang status ng COVID-19 sa bayan, student discount at bilang ng seating capacity sa mga traysikel dahil marami na rin ang mga mananakay.

Aniya pa, bumaba na rin ang presyo ng gasolina pero hindi pa rin ito gaya ng dati na nasa 60 kada litro lang.

Pag-aaralan rin nila kung maaaring i-adjust ang taripa ngayong nasa pandemic status pa pero kaunti na lang ang kaso ng COVID-19 sa probinsya.