Connect with us

Regional News

Pondo para sa educational assistance ng DSWD VI ubos na, di makakapag pay-out sa Sabado

Published

on

Wala ng pay-out na magaganap sa darating na Sabado, Setyembre a-17 at Setyembre 24 para sa distribusyon ng educational cash aid mula sa DSWD.

Ito ay dahil ubos na ang pondo ng DSWD VI na nagmula sa Central office.

Batay sa pinakahuling datos, umaabot na sa 36,131 na mga Students-in-Crisis ang nabigyan ng Educational Assistance na nagkakahalaga ng P101, 326,000.00.

Ayon sa DSWD 6, nag-sumite na ang kanilang opisina ng proposal para sa dagdag na pondo mula sa DSWD Central Office subalit wala pang ibinibigay na karagdagang pondo.

Humihingi naman ng pag-unawa ang DSWD 6 dahil ginagawa naman nila ang kanilang makakaya para mabigyan ng serbisyo ang publiko.