Connect with us

Aklan News

Lalaking bibili lang sana ng sigarilyo binugbog

Published

on

Nagtamo ng mga pasa sa katawan ang isang lalaki matapos bugbugin kaninang madaling araw sa Brgy.  Rosario, Malinao.

Kinilala ang biktima na si Rommel Imaculata, 39 anyos ng Bulabod, Malinao.

Ayon sa biktima na galing sila sa isang inuman kasama ang kanyang mga barkada at nagkayayaan ang mga ito na pumuntang sayawan sa Rosario, Malinao.

Pagdating sa lugar ay bumili ng sigarilyo si Imaculata sa isang tindaha ngunit may tatlong lalaking hindi nya kilala na nagkursanada sa kanya.

Pinagtulungan itong bugbugin ng mga suspek na nagtamo ng sugat sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima sa Provincial Hospital.

Habang hindi pa natutukoy ang mga salarin.