Connect with us

Aklan News

Nabas VM James Solanoy walang balak tumakbong bise governador sa 2025

Published

on

P1M NA BUDGET PARA SA CHRISTMAS PARTY NG LGU-NABAS, PINABULAANAN NI MAYOR JAMES SOLANOY

WALANG balak si Nabas Vice Mayor James Solanoy na tumakbo bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Aklan sa 2025.

Ito ang paglilinaw ni Solanoy sa panayam ng Radyo Todo.

May mga umuugong na balita ngayon sa larangan ng politika na si Solanoy ay tatakbong bise-gobernador sa Aklan.

Ito ay dahil maraming beses siyang nakita sa mga pagtitipon sa unang distrito ng lalawigan kasama si 2nd district Rep. Teodorico Haresco Jr.

“Uman-umanon ko sa bilog nga Aklan, owa pa ngani namon natapos ro pagnami it Nabas. Ro Vice-governor ngaron hay abo sanda una nga mas pwede. Abo pang mas mayad man nga mga abilidaran man,” giit ni Solanoy.

Si Solanoy ay dating alkalde at ngayon ay bise-alkalde ng bayan ng Nabas.