Aklan News
Mahigit 2500 kapulisan ipapakalat sa Kalibo Ati-atihan Festival 2023
Mahigit 2500 na mga kapulisan ang ipapakalat sa darating na Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2023.
Ito ang ipinahayag ni PLt. Col. Bernard Ufano, Deputy Director for Operations ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa panayam ng Radyo Todo.
Ayon kay Ufano ang nasabing bilang ng mga kapulisan ay mas doble kumpara sa 1700 personnel noong 2022.
Nakita umano nila ang kasabikan ng tao sa ati-atihan festival noong opening salvo kung saan tinatayang aabot sa 20,000 ang bilang ng tao.
Dahil dito ay inaasahan din nila ang pagdami ng tao sa mismong selebrasyon ng ati-atihan simula January 9 hanggang 15.
“For two years na walang activity si Kalibo Atit-atihan and by its identity as Mother of all Philippine Festivals, we are expecting to double the crowd this coming January 9-15, 2023,” pahayag ni Ufano.
Kaugnay nito, ipinasiguro ni Ufano na sisiguraduhin nila ang maayos at mapayapa ang selebrasyon ng ati-atihan festival 2023.
Inaasahan naman na sa buwan ng Enero 2023 ay magde-deploy na ang APPO ng skeletal formation ng mga kapulisan.