Connect with us

Aklan News

Lalaking tumawid sa kalsada, nabundol ng traysikel

Published

on

SUGATAN ang isang lalaki matapos mabundol ng isang traysikel sa barangay Tigayon, Kalibo nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Jesus Tañon, 54 anyos samantalang nakilala naman ang drayber ng traysikel na si Ramon Abisan Jr., 51, kapwa residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP mula sa bahagi ng Poblacion Kalibo ang traysikel na minamaneho ni Abisan ng aksidente nitong nabundol si Tañon habang tumatawid ng kalsada.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na kaagad namang dinala sa pagamutan.

Samantala, sa panayam ng Radyo Todo kay PMSgt. Joemar Ortega, Traffic Investigator ng Kalibo PNP, sinabi nito na inilipat sa isang pribadong ospital ang biktima at nasa Intensive Care Unit (ICU).

Dagdag pa nito, hindi nagka-ayos ang nagkabilang panig kung kaya’t nasa kustodiya na ngayon ng Kalibo PNP ang drayber ng traysikel para sa karampatang disposisyon.