Aklan News
Lalaking nag-bomb joke sa isang ahensiya ng gobyerno, arestado sa entrapment operation ng NBI at Malinao PNP
Rehas na bakal ang kinasadlakan ngayon ng isang lalaki matapos maaresto sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at Malinao Police Station nitong Mayo a-17.
Kinilala ang naturang suspek na si Angelo Iglesias Macabare, residente ng Banay-banay, sa bayan ng Malinao.
Ayon kay Police Captain Gelbert Batiles ng Malinao PNP, nagpost umano sa kanyang social media ang naturang suspek na may nakaset-up na bomba at malapit ng pumutok sa opisina ng National Privacy Commission (NPC) sa PICC Complex, Roxas Boulevard, Pasay City sa Maynila.
Dahil dito ay nagulantang ang opisina ng NPC kung kaya’t sinuspinde nila ang pasok sa trabaho.
“Nag-abot iya ro coordination it aton nga National Bureua of Investigation (NBI) regards ngani sa andang gina-tracking nga sangka indibidwal nga suspek sa ginatawag naton nga bomb threat. Ro ana kara nga gin-threat hay ro aton nga sambilog nga ahensiya naton it gobyerno, ro NPC o National Privacy Commission, sa PICC ngani ra nahamtang kung sa siin nagtao ngani ra it kakugmat idto ag nagpundo gid sanda it operation ra dahil ro anang threat it dayang tawo hay naka-set up na it bomba ag manug-eupok na kaya naalarma ro mga empleyado sa ron daya nga ahensiya it gobyerno,” pahayag ni Batiles.
Kaagad naman itong inireport ng NPC sa Cybercrime Unit hanggang sa na-locate ang suspek dito sa lalawigan ng Aklan at ikinasa ang nasabing entrapment operation.
Naaresto ang suspek sa kanyang bagong pinagtatrabahuhan sa barangay Badio, Numancia.
Samantala, sinabi naman ng suspek na nagbibiro lamang siya at hindi niya alam na may nilabag na siyang batas ukol dito.
Kaagad namang dinala ng mga kawani ng NBI ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Law.