Aklan News
Cellphone ng tindera ng Dimsum Panda stall, ninakaw


Ninakaw ng hindi pa nakikilang lalaki ang cellphone na naka-charge sa Dimsum Panda Stall sa may Capitol Site, Brgy. Estancia, Kalibo pasado alas-4:00 kaninang umaga, Setyembre 22.
Ang nakuhang cellphone ay pagmamay-ari ng 26-anyos na babaeng nagbabantay ng nasabing food stall.
Ayon rito, umiidlip siya nang napansin niya ang isang lalaking sinusubukang abutin ang tatlong cellphone na naka-charge sa may likurang bahagi ng food stall.
Tinapik nito ang kaliwang kamay ng lalaki kaya nahulog ang dalawang cellphone.
Pero tuluyang naitakbo ng kawatan ang isa pang cellphone na nasa kanang kamay nito.
Samantala, napag-alaman ng dealer na naging customer din nito ang suspek na nakasuot ng puting damit, maong at puting sapatos kaninang 3:40 ng madaling-araw.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan.