Connect with us

Aklan News

“Kung hi kita ta pa ga putos it mangga, sakiton ta man gihapon”: lalaki, pinagsusuntok at binantaan ng dating katrabaho

Published

on

Sinuntok at binantaan ang isang lalaki ng dati nitong katrabaho sa Sitio Libtong, Barangay Estancia, Kalibo, bandang alas-7:30 ng gabi nitong Abril 24.
Ang biktima ay isang 33-anyos na lalaki, residente ng Barangay Mobo, Kalibo, at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang manggahan.
Sa salaysay ng biktima, bigla na lang siyang sinugod at pinagsusuntok sa likod ng ulo ng dati niyang katrabaho na lasing — residente rin ng Barangay Estancia.
Agad namang rumesponde ang mga residente at naawat ang kaguluhan.
Ngunit bago umalis ang suspek, nagbanta pa ito at sinabing: “Kung hi kita ta pa sa Tigayon ga putos it mangga, hay sakiton ta man gihapon!”
Dahil sa pangamba, agad nagtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya para ipablotter ang insidente.
Iniimbestigahan na ito ng Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang aksyon. | Ulat ni Jisrel Nervar