Connect with us

Aklan News

Mister nagwala matapos mahuling may ibang ka videocall na lalaki si misis; anak, pinakulong ang ama

Published

on

NAGWALA ang isang mister matapos mahuli ang kanyang misis na may ka-videocall na ibang lalaki sa C. Laserna Street, Kalibo Huwebes ng hapon, Abril 24.
Lasing umano si mister nang masilip ang cellphone ng kanyang asawa at mabistong may kausap na ibang lalaki sa video.
Sa sobrang galit, nagwala ito at nag-ingay sa lugar, dahilan para umeksena ang sariling anak at humingi ng tulong sa mga pulis.
Agad namang dinampot ng kapulisan ang lalaki at dinala sa Kalibo Municipal Police Station.
Sa ngayon, nakakulong ito sa lock-up cell ng Kalibo MPS at inaasahang ire-refer sa Barangay Justice System. l Ulat ni Jisrel Nervar