Aklan News
2 lalaki, sinaksak sa San Isidro, Banga


ISINUGOD sa Aklan Provincial Hospital ang dalawang lalaki matapos na magtamo ng tama ng saksak nitong madaling-araw ng Biyernes sa bahagi ng San Isidro, Banga,
Kinilala ang mga biktima na sina Jhon Carlo Lachica, 19-anyos at isang 17-anyos na binatilyo na pawang mga residente ng Polocate, Banga.
Nagtamo ng mga tama ng saksak si Lachica sa kaliwang kamay at kanang bahagi ng tiyan habang sa kaliwang bahagi naman ng tiyan ang naging tama ng 17-anyos na biktima.
Bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang isinugod ng mga responders sa ospital ang dalawa para sa kaukulang medikasyon.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Banga PNP sa naturang insidente. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading