Connect with us

Aklan News

Lalaki, naglasing at nag-amok nang sitahin sa pamumutol ng hindi nito saging

Published

on

‎NAGLASING AT NAGWALA ang isang lalaki nang sitahin ng may-ari matapos nitong pinagpuputol ang puno ng saging sa Estancia, Kalibo dakong alas-7:00 ng gabi nitong Huwebes, Mayo 15.
‎Sa salaysay ng dalawang nagrereklamong ginang, na tumanggi nang magpapangalan, bandang alas-4:30 ng hapon ng pagtatagain ni Banjo Pelante ang mga saging sa kanilang lupa.
‎Sinita pa ito ng isa sa mga ginang at agad din namang umalis sa lugar ang nasabing lalaki.
‎Kalauna’y bumalik pa ang inirereklamo na lasing na saka nag-aamok sa lugar.
‎Nagkaroon ng mga sagutan sa dalawang panig na siya namang ikinabahala ng dalawang nagrereklamo.
‎Sa ngayon, ini-refer naman ng Kalibo PNP ang nangyari sa Barangay Justice System para sa kaukulang disposisyon.l Ulat ni Arvin Rompe