Aklan News
Dahil sa tumawid na baka, motorsiklo sumemplang; 2 sugatan


Sugatan ang dalawang babaeng sakay ng motor matapos na sumalpok sa tumawid na baka sa bahagi ng Sitio Centro, Mandong, Batan bandang alas-5:00 nitong Linggo, Mayo 18.
Ang mga hindi na pinangalanang mga biktima ay 21-anyos na taga-Angas, Batan at isang 19-anyos na residente ng Camanci ng kaparehong bayan.
Sa impormasyon mula sa MDRRMO-Batan papuntang Poblacion, Batan ang direksiyon ng motorsiklo.
Pagdating sa lugar ay bigla umanong tumawid ang baka na naging dahilan ng aksidente.
Nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan ang drayber at angkas ng motorsiklo na parehong isinugod ng rumespondeng MDRRMO-Batan sa Altavas District Hospital para sa kaukulang pagpapagamot. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading