Aklan News
Plate number ng mga pampasaherong tricycle sa Kalibo, available na sa LTO Aklan


Kinumpirma ni Engr. Marlon Velez ng Land Transportation Office (LTO) Aklan na maaari nang kunin ang mga plate number ng mga pampasaherong tricycle sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Engr. Velez, pinaalalahanan na nila ang lahat ng tricycle operators at drivers sa Kalibo na maaari nang i-claim ang kanilang mga plate number sa tanggapan ng LTO.
Babala ni Velez, kapag nahuling wala pa ring plaka ang kanilang unit, ay wala nang magiging katwiran at maaaring hulihin at tiketan ang mga ito.
Dagdag pa niya, bukod sa tricycle, available na rin ang mga plate number ng mga four-wheel vehicles mula sa mga supplier kung saan binili ang mga ito.
Samantala, para naman sa mga motorsiklong rehistrado mula 2014 hanggang 2017, makukuha na rin ang kanilang mga plaka sa LTO Regional Office.
Ang mga motorsiklong rehistrado mula 2018 hanggang 2024, at sa unang bahagi ng 2025, ay maaari nang makuha sa mga supplier o dealer kung saan binili ang unit.
Paalala rin ni Engr. Velez sa publiko na panatilihing sumusunod sa batas trapiko upang maiwasan ang pagkakahuli o abala sa paggamit ng motorsiklo at iba pang uri ng sasakyan. | Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading