Connect with us

Aklan News

Motoristang nakainom umano’y nakipagkarera, sumalpok sa palikong SUV

Published

on

‎SUGATAN ang isang motorista matapos na sumalpok sa palikong SUV sa Brgy. Estancia, Kalibo bandang alas-10:18 ng gabi nitong Miyerkules.
‎Ang hindi na pinangalanang motorista ay 20-anyos na residente ng Brgy. Sigcay, Banga at nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.
‎Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa bahagi ng Banga ang motorista at papuntang Kalibo ang direksiyon.
‎Nakikipagkarerahan pa umano ito sa isa pang motorsiklo ngunit pagdating sa lugar ay sumalpok ito sa papalikong SUV na minamaneho naman ng 53-anyos.
‎Dahil sa impact, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang naturang motorista na agad isinugod sa Provincial Hospital para sa kaukulang pagpapagamot.
‎Sa ngayon, impound ang sasakyan ng dalawang sangkot para sa karagdagang imbestigasyon. l Ulat ni Arvin Rompe