Aklan News
Binatilyong naghatid ng kainuman, sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa Makato


SUMEMPLANG ang minamanehong motorsiklo ng isang binatilyo sa bahagi ng Brgy. Tina, Makato bandang alas-10:45 nitong gabi ng Huwebes, Mayo 22.
Ang hindi na pinangalanang menor-de-edad ay 16-anyos at residente ng Brgy. Calimbajan, Makato.
Sa ulat ng MDRRMO Makato, naghatid umano ang binatilyo ng kanyang kainuman sa bahagi ng Brgy. Dumga ng nasabi ring bayan.
Nang papauwi sa kanilang bahay, sumemplang ang motorista pagdating sa lugar.
Nagtamo ng sugat sa ulo at gasgas sa kamay ang biktima na nilapatan naman ng first aid ng mga rumespondeng MDRRMO-Makato at dinala sa Provincial Hospital.
Napag-alaman na bago ang aksidente ay nakainom ng tuba ang nasabing biktima. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading