National News
Alice Guo, sinampahan ng kasong money laundering ng DOJ


Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong money laundering si Guo Hua Ping, na mas kilala bilang Alice Leal Guo, sa Regional Trial Court (RTC) ng Capas, Tarlac, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Batay sa ulat ng PAOCC, ang reklamo ay may kabuuang 62 counts ng paglabag sa Anti-Money Laundering Act. Kabilang dito ang:
•26 na kaso ng pakikipagtransaksyon gamit ang ilegal na monetary instruments o ari-arian,
•5 kaso ng pag-convert, paglilipat, o paggamit ng mga naturang assets, at
•31 kaso ng pakikipagsabwatan upang isagawa ang money laundering.
Ang mga kasong ito ay may kaugnayan umano sa mga transaksyong pinaniniwalaang galing sa ilegal na aktibidad, na ikinakabit sa pangalan ni Guo.
Continue Reading