Aklan News
Estudyanteng tumatawid, nabundol ng motorsiklo; sugatan


Nabundol ng isang motorsiklo ang isang estudyante habang tumatawid sa pedestrian lane sa Brgy. Estancia, Kalibo pasado alas-12:40 ng tanghali nitong Mayo 24.
Ang hindi na pinangalanang estudyante ay 18-anyos na babae at residente ng Nabaoy, Malay habang ang driver naman ng motorsiklo ay isang 41-anyos at residente ng Poblacion, Banga.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, tumatawid ang estudyante sa isang pedestrian lane nang mabundol ng motorsiklo na papuntang bayan ng Banga.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang estudyante na agad namang isinugod sa ospital kung saan siya ngayon ay nagpapagaling.
Dinala naman sa Kalibo PNP ang drayber at ang motorsiklo para sa imbestigasyon. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading