Connect with us

Aklan News

Magbabarkadang sakay ng motorsiklo, bumangga sa kasalubong na L200 Van; sugatan

Published

on

Photo: Mdrrmo Buruanga
‎SUGATAN ang tatlong magbabarkada matapos na bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na L200 Van sa bahagi Sitio Sa-ed, Brgy. Alegria, Buruanga, Aklan bandang alas-4:35 ng hapon nitong Sabado, Mayo 24.
‎Ang hindi na pinangalanang mga magbabarkada ay edad 26, 27, at 16-anyos, parehong mga residente ng Brgy. Mayapay ng nasabing bayan.
‎Sa imbestigasyon ng Buruanga PNP, mula ang motorsiklo sa Brgy. Tag-Osip at pauwi na sana sa bahagi ng Brgy. Mayapay.
‎Pagdating sa lugar, umano’y umagaw ng linya ang motorsiklo dahilan upang mabangga ng kasalubong na van.
‎Dahil sa impact, nagtamo ng minor injuries ang tatlong sakay ng motorsiklo na binigyan naman ng paunang lunas ng MDRRMO-Buruanga.
‎Napag-alamang ang van na minamaneho ng 43-anyos na taga-Mansilangan, Bacolod City at papunta sana sa bahagi ng Balusbos, Buruanga para magbakasyon.
‎Samantala, nagka-areglo naman ang parehong mga sangkot pagdating sa Buruanga Municipal Police Station.| ulat ni Arvin Rompe