Connect with us

Aklan News

Lasing na motorista, sumalpok sa tricycle sa bahagi ng Kalibo-Numancia bridge

Published

on

‎SUMALPOK sa sinusundang tricycle ang isang motorsiklo sa bahagi ng Kalibo-Numancia Bridge bandang alas-5:00 ng hapon ng Linggo, Mayo 26.
‎Ang hindi na pinangalanang lasing na motorista ay 43-anyos, residente ng Brgy. Lapuz Norte, Iloilo City.
‎Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, tinatahak ng tricycle ang direksiyon papuntang bayan ng Numancia na minamaneho ng lalaking 60-anyos na taga-Poblacion, Kalibo.
‎Pagdating sa lugar, sumalpok ang motorsiklo sa tricycle na sa kapareho ring direksiyon.
‎Dahil sa impact, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang motorista na dinala sa Provincial Hospital ng mga rumespondeng MDRRMO-Kalibo.
‎Kalauna’y ini-refer naman ang motorista sa Out-Patient Department matapos bigyan ng kaukulang atensyong medikal.l Ulat ni Arvin Rompe