Health
Johnson’s Baby Powder, binawi sa merkado dahil mayroon umanong asbestos


Binawi ng Johnson & Johnson (J&J) sa merkado ang 33,000 na bote ng baby powder bilang pag-iingat matapos na makakita ang federal regulators ng bakas ng asbestos sa isang bote na nabili online.
Ang asbestos ay karaniwang matatagpuan sa mga bato at lupa. Karaniwang ginagamit itong construction materials. Kapag natipak ang asbestos at naging pulbos, madali itong malanghap at nakakapagdulot ng sakit sa baga tulad ng lung cancer.
Ayon sa kumpanya na nakabase sa New Brunswick, New Jersey, ang mga ire-recall na product ay ang isang batch lamang ng Johnson’s Baby Powder na ginawa at ini-ship sa U.S. noong nakaraang taon.
Sa kabila ng precautionary measure, nanindigan ang pharmaceutical company na ang nasabing baby powder ay walang halong asbestos.
“[J&J] has a rigorous testing standard in place to ensure its cosmetic talc is safe and years of testing, including the FDA’s own testing on prior occasions — and as recently as last month — found no asbestos,” ani ng isang tagapagsalita ng kumpanya sa kanilang official statement.
“Thousands of tests over the past 40 years repeatedly confirm that our consumer talc products do not contain asbestos. Our talc comes from ore sources confirmed to meet our stringent specifications that exceed industry standards,” dagdag pa nila.
Iginiit pa ng J&J na sinuri din ng mga independent laboratories ang talc at nakumpirmang asbestos-free ito.
Sinabi pa ng J&J na nakita ng U.S. Food and Drug Administration ang kaunting asbestos sa isa lamang na botelya, at kasalukuyan nang iniimbestigahan ng kumpanya ang mga posibleng dahilan kung bakit nakontamina ang botelya, at kung ito ba ay isang pekeng produkto.