Aklan News
2 SA MGA NAHULING NAGSASABONG NITONG BIYERNES SANTO, KAKASUHAN NA BUKAS
Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 449 (as amended by PD 1602) o Cockfighting Law of 1974 ang 2 naaresto dahil sa ilegal na sabong nitong Biyernes Santo sa Sitio Dawug, Calimbajan, Makato.
Nakilala sa report ng Makato PNP ang 2 suspek na sina Rosito Tuayon, 40-anyos, ng Calimbajan, Makato at Jerome Mahilo, 35-anyos, ng Pudiot, Tangalan.
Base rin sa nasabing report, nagkataong nagroronda noon ang mga pulis nang marinig ang mga nagsisigawang sabungero, kung kaya’t kaagad nila itong nilapitan.
Mabilis umanong nagsitakas ang mga suspek kasama ang dalawa, subalit naaresto pa rin sa manhunt operation ng mga pulis. Nakilala rin sila ng mga pulis dahil walang suot na face mask ang dalawa.
Bagama’t walang narekober na pera, nasamsam naman ng mga pulis bilang ebidensya ang 2 manok panabong na pawang sugatan.
Pansamantala namang nasa kustodiya ng Makato PNP sina Tuayon at Mahilo, habang sasampahan pa rin umano ng karampatang kaso ang iba pang nakilala ngunit nakatakas na suspek, sa pamamagitan ng regular filing.