Aklan News
42 anyos na lalaki, sinaksak ng isang senior citizen
Kasong Frustrated Homicide ang kahaharapin ng isang senior citizen matapos nitong masaksak ang nakainuman kahapon sa Badio, Numancia.
Kinilala ng Numancia PNP ang biktimang si Mark Owen Flores, 42 ng Brgy. Joyao-Joyao at ang suspek na si Carlos Tagala, 67 anyos na residente naman ng Badio, Numancia.
Nangyari ang insidente sa harap ng isang sari-sari store malapit sa bahay ng kanilang Chief Tanod na si Perlito Zonio.
Sinasabing inagaw ng biktima ang kutsilyong nakasukbit sa bewang ng suspek.
Nag-agawan ang mga ito hanggang sa nasaksak ang biktima sa kanyang tiyan.
Dinala ang biktima sa isang pribadong ospital sa Kalibo habang ang suspek ay ikinulong sa Numancia PNP Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Continue Reading