Aklan News
Alyas “Bimbo” nakapyansa ng ₱10k, matapos mahulihan ng mga baril at bala sa kanyang bahay


Nakalaya na ngayong araw si Rachel Dionosio, alyas “Bimbo,” matapos maglagak ng piyansang ₱10,000 sa tanggapan ng piskalya.
Matatandaang naaresto si Bimbo noong Abril 22 sa ikinasang search warrant operation sa kanyang bahay sa Purok 13, N. Roldan Ext., Poblacion, Kalibo.
Sa pagsilbi ng search warrant, nasamsam mula sa kanyang bahay ang isang kalibre .38 na baril, isang 12-gauge na shotgun, at ilang mga bala.
Nahaharap si Bimbo sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ngunit pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading