Aklan News
Anti-rabies vax sa mga gov’t facilities sa Aklan, limitado
Limitado pa rin ang suplay ng bakuna kontra sa rabies sa mga Aninal Bite Treatment Center sa lalawigan ng Aklan.
Ito, ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr., Chief of Hospital ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH), ay dahil sa may problema rin ng suplay ng naturang bakuna sa buong bansa.
Aniya pa, nauna ng ipinagbigay-alam ng Department of Health sa publiko ang tungkol sa kakulangan ng anti-rabies vaccine.
Pagdating umano sa naturang bakuna, ang lalawigan ng Aklan ayon kay Cuachon ay ‘dependent’ lamang sa ibinibigay nag DOH.
Dahil dito, kailangan na umanong mag-allocate ng bawat LGUs ng pondo para sa anti-rabies vaccine upang matugunan ang pangangailangan ng publiko.
Binigyan-diin ni Cuachon na ang Aklan Provincial Government ay mayroon naman aniyang pondo para sa bakuna ngunit ang problema sa ngayon ay ang kakulangan ng suplay sa buong bansa.
Inaasahan na may mga bakunang darating ngayong buwan ngunit inihayag ng opisyal na limitado pa rin ito.