Connect with us

Aklan News

BFP Kalibo, planong magdagdag ng community fire auxiliary group

Published

on

File Photo: Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

PLANO ng Bureau of Fire Protection (BFP) na madagdagan pa ang bilang ng mga Community Fire Auxiliary Group (CFAG) sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Paulo Vicente Marco Neptuno, Estancia Fire Sub Station Commander, mayroon na aniyang limang barangay sa Kalibo ang may Community Fire Auxiliary Group.

Dahil dito nais pa nilang madagdagan ito para sa mas mabilis na pagresponde sa mga insidente ng sunog.

Maliban sa sunog, makakatulong din ito sa pagresponde sa iba pang emerhensiya sa Kalibo.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang BFP Kalibo sa iba pang barangay upang matukoy ang mga itinuturing na Hazardous Barangay.

Ilan sa mga problemang nakikita ng BFP ay ang problema sa accessibility ng mga fire trucks particular sa mga barangay ng Bakhaw Norte at Mobo.

Continue Reading