Connect with us

Aklan News

Boracay Island mayroon ng mahigit 1.1M tourist arrivals

Published

on

SUMAMPA na sa 1,012,883 ang naitalang tourist arrivals sa isla ng Boracay.

Ito ay batay sa tala ng Malay Tourism Office simula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2024.

Nadagdag sa listahan ang mahigit 100,000 turistang nagtungo sa isla sa unang dalawang linggo ng Hunyo.

Mula naman sa nasabing bilang, 780,975 dito ang local tourist; 11,347 ang mga Overseas Filipinos samantalang 220,588 naman ang mga banyagang turista.

Positibo ang lokal na pamahalaan na malagpasan ang target na 2.3 million tourist arrivals bago matapos ang taong kasalukuyan.