Aklan News
CHAIRMAN NG ORGANIZER NG ATI-ATIHAN FESTIVAL, NAGBITIW SA PWESTO
Kalibo, Aklan – Nagbitiw sa pwesto si Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Management Council Incorporated (KASSAMACO) Chairman Apol Zaraspe mahigit isang buwan bago ang Ati-atihan 2020.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang dahilan ng pagbibitiw ni Zaraspe.
Kaugnay nito, may mga lumitaw na kontrobersiya sa KASSAMACO kaugnay ng pagkaantala ng pagbigay ng subsidy sa mga tribung sasali sa Ati-Atihan Festival dahil sa kakulangan ng legal na basehan ng LGU Kalibo na magpalabas ng pondo para sa KASSAMACO.
Liban dito ay naantala rin ang kanilang aplikasyon sa akreditasyon para maging Civil Society Organization na mangunguna sa pamamahala ng Mother of all Philippine Festivals.
Ang KASSAMACO ang pumalit sa dating organizer ng Ati-atihan na Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) na pinamunuan ni Albert Meñez.
Habang sinusulat ang balitang ito ay sinusubukan pa ng aming news team na kunin ang panig ni Zaraspe.