Connect with us

Aklan News

Grand prize sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2024 mananatiling P1M, ipamimigay na subsidy nasa P3.2M

Published

on

File Photo: Radyo Todo Aklan

Inanunsyo ni Mayor Juris Sucro sa pinakaunang meeting ng festival committees para sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2024 na mananatiling isang milyon ang premyo ng tatanghaling grand champion sa Tribal Big Group.

Samantala, aabot naman sa P3.2 million ang ipamimigay na subsidy sa mga tribu na sasali ayon kay Boy Ryan Zabal, Chairperson, Sub Committee on Sadsad and Parades ng Kalibo Ati-Atihan Festival Board o KAFEB.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni  Zabal na mayroon ng 34 na grupong nakapagpasa ng entry para sa Kalibo Sr. Sto Niño Ati-Atihan 2024.

Aniya, maaga nilang sinimulan ang registration para magkaroon ng mas mahabang panahon na makapagplano at makapaghanda ng mga costumes ang mga sasaling grupo.

Dahil rin dito, mas magiging maaga rin aniya ang pagbibigay nila ng mga subsidiya na inaasahang maipamimigay na ngayong Agosto o Setyembre.

Saad pa nito, nagdagdag sila ng P10,000 sa subsidy na ipinamimigay sa mga mga tribu.

Kung dati aniya ay P120,000 ang subsidy para sa big tribal group, ngayon ay ginawa na nila itong P130,000.

P10,000 na rin ang para sa mga small tribal group na dati ay P90,000, ang modern group ay may P80,000 mula sa dating, P70,000 at P70,000 naman sa balik-ati na dati ay P60,000.