Connect with us

Aklan News

Construction worker mahigit 30-beses na pinagtataga, patay

Published

on

NALILIGO sa sariling dugo at wala nang buhay ng matagpuan ang isang construction worker sa loob ng bahay nito sa Sitio Batia-ano, Maloco, Ibajay, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Benedic Garson, 37-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Gng. Edita Amacio, nagtaka umano siya kung bakit hindi pa rin gumigising at lumalabas ng bahay ang biktima.

Aniya pa, tuwing umaga ay nagpupunta sa kanila ang biktima at doon nagkakape.

Dahil dito ay minabuti niyang puntahan sa bahay nito gisingin.

Panay ang tawag nito sa labas ng bahay ngunit wala umanong sumasagot kung kaya’t sinilip niya ito sa bintana.

Pahayag pa ni Gng. Edita, tumambad sa kanya ang duguang katawan ng biktima habang nakahiga patagilid sa kama nito.

Kaagad naman niya itong ipinagbigay-alam sa opisyal ng kanilang barangay.

Sa kabilang banda, hindi naman matanggap ni Amy Bandiola, asawa ng biktima ang malagim na sinapit ng kanyang mister.

Ani Amy, sinigurado umano ng suspek o mga suspek na hindi na mabuhay ang kanyang asawa dahil sa mga sugat na tinamo nito.

“Pag-atubang pa gid nana ginsaksak pa gid.Tanan gid nga alima nana inubos. Sinigurado gid-a nana nga indi mabuhi,” pahayag ni Amy.

Aniya pa, si Garson ay isang mabuting asawa at palaging umiiwas sa gulo.

Wala din umanong nabanggit na problema ang kanyang mister maliban na lamang sa 18 sako ng kopra na nasunog sa pinagtrabahuhan nito.

Hustisya naman ang sigaw ni Amy para sa kalunos-lunos na sinapit ng kanyang mister.

“Kung sin-o man ang nag-ubra sa akon nga asawa, dapat patyon man imaw ag madakpan imaw eon it pulis,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng Ibajay Municipal Police Station upang matukoy kung sino at ano ang motibo ng krimen./SM