Connect with us

Aklan News

Gov. Miraflores, ibinida sa kanyang SOPA ang muling pagsigla ng tourist arrival sa Boracay Island

Published

on

MASAYANG ibinalita ni Gov. Joen Miraflores sa kanyang State of the Province Address o SOPA ang mataas na bilang ng tourist arrival sa isla ng Boracay.

Aniya, positibo siyang malalagpasan ng Boracay Island ang target nitong 2.2 tourist arrivals ngayong taon.

Batay sa datos ng Malay Tourism Office (MTO) mula Enero hanggang Hulyo, nakapagtala na ang ahensiya ng 1,332, 418 na bisita sa Boracay.

Dahil dito ay kailangan na lamang ng MTO na magkaroon ng mahigit 183K monthly average ng turista para maabot ang nasabing target.

Inaasahan naman ng gobernador na mas malalampasan pa ng ahensiya ang bilang ng tourist arrivals noong pandemic bago matapos ang taong 2023.

“Tourist arrivals in Boracay Island continue to surge and is expected to reach or even exceed pre-pandemic levels by the end of 2023. From January to July 2023, Boracay Island already welcomed 1,332,418 visitors – we only need a monthly average of 183,909 tourists fot the next five (5) months to reach the all-time high of 2,251, 966 in 2019,” pahayag ni Gov. Miraflores.