Connect with us

Aklan News

IT NG ISANG RESORT SA BORACAY, KALABOSO SA PAGTUTULAK NG MARIJUANA

Published

on

Kalaboso ang isang 26-anyos na lalaking IT ng isang resort sa Boracay dahil sa pagtutulak ng marijuana kaninang madaling araw sa Sitio Angol, Brgy. Manocmanoc, Boracay Island.

Ang suspek ay kinilalang si Earnespaul Verano, alyas “Ambo”, tubong Manila at pansamantalang nakatira sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Malay.

Batay sa mga otoridad, halos isang buwan na rin nilang minamanmanan si Verano.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos magbenta ng apat na sachet ng marijuana sa poseur buyer kapalit ng P800 na buy bust money.

Bukod dito, nakuhaan pa si Verano ng dalawang sachet ng marijuana at P492 sa isinagawang body search.

Aminado naman si Verano sa pagtutulak nito ng marijuana pero iginiit nito na hindi niya kilala ang pinagkukunan niya ng supply na naoorder niya lang online.

Pansamantalang ikinustodiya ang suspek sa Malay HQ Custodial Investigation Facility para sa karampatang disposisyon.

Samantala, kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang kakaharapin na kaso ng suspek.