Connect with us

Aklan News

Lalaki arestado matapos mahulihan ng baril at bala sa bayan ng Banga

Published

on

HIMAS-REHAS ngayon ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril at mga bala sa barangay Daja Norte, Banga.

Kinilala ang suspek na si Jovanie Montuya, residente ng Sitio Kalintaan ng nabanggit na barangay.

Ayon kay PCapt. Benny Jones Mendoza, hepe ng Banga PNP nakatanggap umano sila ng reklamo mula sa mga residente na may baril at nagpapaputok ang naturang suspek.

Dahil dito ay kaagad silang nagkasa ng surveillance bago ikinasa ang search warrant laban sa kanya.

Nakuha mula kay Montuya ang isang caliber .22 na baril at mga bala.

Samantala, inamin naman ng suspek na pagmamay-ari niya ang nasabing baril.

Ayon sa kanya, nakita niya lamang ito sa palayan may ilang taon na ang nakakalipas.

Sa katunayan ay matagal na niya itong balak isuko sa mga otoridad ngunit wala pa siyang oras dahil abala ito sa kanyang trabaho.

Nasa kustodiya na ngayon ng Banga PNP si Montuya at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act.